At nalunod na 'tong Multiply ko, just like other people.
Last post= acquaintance party.
Grabe. Uso pa ang A(H1N1). Natakot pa ako na mawalan ng Exchange Program. At lumipas lang ang panahon na nakuha ko ang gusto ko.
Sobrang nakakapagod ang third year. Nagpapasalamat na rin ako kasi sa kabila nung mga hirap na yun, ang dami kong natutunan. Natutunan ko ang Lewis Structure. Naranasan kong mawalan ng klase at magliwaliw sa halip na magbasa ng Noli o El Fili. Natutunan kong gusto ko talaga magsulat kahit sobrang wala na akong ideas. Natutunan kong mag-prove ng Pythagorean Theorem at ang sine, cosine, at tangent ng angle ng special right triangles. Naranasan kong mautal kasi hindi ko mahanap ang mga English words para sa thoughts ko. Naranasan ko ring mag- Science Congress! Natutunan kong magalit sa kung sinu-sino kasi cramming ng kung anu-anong papel. Natutunan kong mas maging maka-Diyos (Amen. :D). Naranasan kong umiyak sa tuwa at maputol ang ilang segundong kaligayahan kasi umiiyak ang best friend ko. Natutunan ko na kahit mga lalaki katulad ni Daddy Gabby ay umiiyak at ni Eman na humahagulol. Nakita kong umiyak ang mga lalaki sa batch. Nakita kong magluha ang isang lalaki at umaming naiiyak siya dahil sa video presentation para sa mga aalis sa batch. Naranasan kong magmukhang ewan sa harap niya. Naranasan kong kiligin ng sobra sa ngiti ni...hahahahaha! Not gonna mention the name. :p Naranasan kong mag-shoot sa sementeryo sa gabi kasama ang Akasya. Naransan kong magmukhang engot sa pagsasabi na ayos lang ako, pero sa tuwing titingin ako sa kanila at marinig ang boses niya, mririndi ako at gustong maglkulong sa Acacia Room. Natutunan ko ring puwersahan na pala ang paglilinis ng room, kasi magbabayad ka ng 100 pesos kapag hindi ka naglinis. Naranasan kong gumawa ng essay tungkol sa Philippine Agriculture na hindi ko masyadong napaghandaan. Naransan ko na ring sagutan ang mga kung anu-anong pangalan ng compounds at maibigay ang sagot within 6 seconds...naransan kong mag-panic dun. At siguro pinaka-memorable, maranasan ang hindi napag-handaang pagkuha ng dugo para sa blood test. Ayos.
At, 'yun na nga. 2nd year=pinakamasaya. 3rd year=pinakamaraming natutunan. pero masaya pa rin. :)
Siguro sa almost 10 months na mawawala ako, marami akong mamimiss. CAnton. Dags. Canteen--Ate Vera, recycled siomai, libreng tubig! McDo. Yung ceiling na kinakausap ko kapag maiiyak na ako. 10 months. Gonna be missing a lot. Pero, ang kailangan lang naman ay maniwala akong magiging worth it ang isang taong pagka-delay. Kakayanin. :)
Aminado akong mawawala 'to. Pero hindi ko madedeny na excited na ako
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment