Awit Natin

Saturday, April 24, 2010

I randomly made a poem. I was actually startled that I had this urge to write poems lately. This one's titled: "Awit Natin". It's inspired by a former *ehem* love, I guess? Hahahaha... It's NOT really entirely MY story...I need not put my entire story there. The persona is reminiscing his past...and how it turned out with th
e person he loved. But then, the lover went away(physically or mentally) and the persona buried the love and their songs. A year passed and the person was glad to know that he got over everything, but he heard one song that reminded him of everything...and then his longing and waiting started again, thus the ending. :)
Enjoy. :)

Isang awit...
Isang awit na lamang ang nananaig,
Isang awit na lamang ang nagpapakapit
At sa puso ko'y muling nagpapapintig.

Sa isang awit, mundo'y muling nagkakulay;
Wala na ang mga matang matatamlay.
Hindi ka pa rin pala nawalay;
Patuloy kang nagbibigay buhay.

Hindi naman talaga tayo magkabarkada
Ni hindi nga ata tayo magkakilala.
Bakit kaya sa una nating mga tawa
Palagay ko'y matagal ka nang nakakasama?

Wala naman talaga tayong pinagsamahan.
Mukhang ang lahat ay gawa-gawa lang.
Umalis ka rin naman ng tuluyan,
Sana'y matagal ka nang sinukuan.

Sayang ang mga binigay na pagkakataon;
Lagi lang namang naghihintay sa tamang panahon.
Hindi nagbigay ng sagot ng Poon;
Hindi sana ako nagsisisi ngayon.

Isang taon ka ding nawala.
Sa una'y 'di mapaniwala
Na hindi ka na nagdudulot ng luha.
Ang mga awit nati'y isa-isang nabaon sa lupa.

Ngunit may isa pa palang awit,
Na muling nagbalik
Ala-ala nakasabay ng bawat luha at pintig,
Naghihintay...
Nag-aasam...
Naghahanap...

Nasaan ka na?
Tayo'y muling umawit...
Hindi ka na muling pakakawalan.
Lalala...la...la...

0 comments:

Post a Comment

 
Design by Pocket