41 hours remaining...:)

Friday, November 6, 2009

41 hours nalang, simula na ng second semester...
41 hours nalang, mamumulat na naman ako sa katotohanan na maraming mabibigat na gawain sa eskwelahan...
41 hours nalang, maiisip ko nanaman kung ano ang mangyayari sa eskwelahan...
41 hours nalang, matatakot nanaman akong kumain sa school canteen...
41 hours nalang ang natitira para simulan ko ang pagbabagong kailangan kong gawin sa eskwelahan..

For the first time, may semestral break kami. 'Yung semestral break na hindi ka mamomroblema kung anong strategy ang gagamitin ng team niyo sa upcoming game for Intramurals.Sa halip, semestral break na nakahiga ka sa kama, natutulog, hanggang 11 am. Tapos, matutulog ka ulit ng 5 pm, gigising para kumain ng gabihan, at matutulog ng 12. Kung tutuusin, ayoko nung ginawa kong 'to. Kasi, hindi na ako sanay matulog ng maaga. Parang tinutunaw ko na 'yung dingding sa kama ko, kakaisip ng kung anu-anong walang patutunguhang bagay, mga bagay na alam kong hindi naman ako ang may kapangyarihang baguhin.

Sa kabila ng masamang epekto sa akin sa pagtulog, masaya rin naman. Syempre, hindi mawawala sa buhay ko ang pagbabasa ng libro. Naka-pitong libro ako! :))


1) Othello by Shakespeare- Ako'y isang mahusay na mag-aaral[sarcastic]. Dahil, tinapos ko ang librong 'yan pagkatapos ko gawin ang report tungkol sa play na 'yan. Tsk. Mahusay. :)
2) Kapitan Sino by Bob Ong- Mahusay na gawa mula sa isang mahusay na manunulat. Pero, sa tingin ko, mas gusto ko 'yung tipong deretsang makukuha mo 'yung aral ng ginawa niya. Mala- 'ABNKKBSNPLAko?'.
3 and 4) Nancy Drew Series Book 1 and 2 by Carolyn Keene- Borrowed from Thea, Casey's sister. Tinapos ko in almost 24 hours, pero-hiwa-hiwalay na oras dahil sobrang andaming gawain.
5) A Wrinkle in Time by Madeleine L'engle- Alam ko na kung para saan si Ms. L'engle. Kung gusto mo ng aral tungkol sa halaga pagkakaibigan at pamilya, libro ni Madeleine L'engle ang basahin mo. It's true that it's not really for my age, but it's really nice. Meg and Cal! <3
6)El Filibusterismo by J.P. Rizal- Yes, I've finished it in 48 hours! :)) Honestly, may skppings pa rin akong ginawa, kasi parang mejo walang konek dun sa scene, pero, I ended it. And alam ko na kung sino yung nasa cover nung Almario book! Haha! It makes me happy! I read the English version, but the Almario version(Tagalog) was just there on standbye in case I did not understand the part.
7) Pitch black by Melody Carlson- courtesy of Hazellene Lomboy. :)
Matagal ko nang hiniram, pero ngayon ko lang tinatapos. It really has a message and lesson. It's about teen's urge to commit suicide to escape their harsh world.

On Chrismas break, if there's not too much work(although I'm planning to those work beforehand), I will read Haruki Murakami's works. I'm actually going to ask someone to give one of his books to me. :))
I like the Wind-up Chronicle frst, though. :))

Well, I'm planning on spending the last 41 hours on writing and doing the poster for our research. :)

Still enjoying my journal! :))

(Sorry, Taglish. :'()

0 comments:

Post a Comment

 
Design by Pocket